Kumakalat ngayon sa social media ang jakol video scandal ni Kiko Estrada.




Ang tungkol sa ‘video ­scandal’ ang agad na inu­sisa ng press kay Kiko Estrada sa presscon ng bagong tele­serye ng GMA-7 na That’s My Amboy, na bida sina Barbie Forteza at Andre Paras.

Hindi na nga nagawa pang pag-usapan ang role ni Kiko sa serye dahil sa isyu ng video scandal niya.

Pero siyempre, tigas sa pag-deny si Kiko, kahit marami ang nagsasabi na hawig na hawig niya ang lalake sa naturang video scandal.

Nakakaloka nga, dahil magkakasunod na kumalat sa internet ang mga video scandal nina Joross Gamboa, Jeric Gonzales at Kiko.

Pare-pareho sila ng ginawa sa video, at `yon ay laruin ang kanilang mga ari sa harap ng kamera.

Wala pang pahayag sina Joross at Jeric tungkol sa isyu sa kanila. Si Kiko ay idinaan na lang sa tawa at biro ang mga sagot niya sa tanong ng press.

Sabi niya, hindi raw siya mahilig magkukuha ng sarili na nakahubad sa kamera. Gagawin daw niya ito sa harap ng kanyang girlfriend.

Kung magpaparaos daw siya, hindi niya ito idadaan sa kamera.  Pupuntahan niya ang kasintahan at silang dalawa ang magpapakaligaya.

Itinanggi rin ni Kiko na nawala ang kanyang cellphone at ipinaayos ito, na posibleng pinanggalingan ng video scandal niya. Kung ano raw ang gamit niyang cellphone noon, siya pa rin daw niyang gamit ngayon.

Tumawa nang malakas si Kiko nu’ng ipakita sa kanya ng press ang sinasabing video scandal niya. May mga kumbinsidong ang young actor nga ‘yon dahil kamukhang-kamukha niya.

Pero giit ni Kiko, ibang tao ‘yon na kamukha lang niya. Marami raw siyang kahawig.

Anyway, itinuturing na lang ni Kiko na isang favorable publicity ang pagkakadawit ng pangalan niya sa video scandal.

Kean-Chynna, dapat umiwas sa social media…Privacy pala, eh!
Gaya nang dapat asahan, nagdamot si Kean Cipriano sa mas malinaw na detalye tungkol sa tsika na ‘buntis’ ang misis niyang si Chynna Ortaleza. Ang sabi lang niya, masaya siya sa personal niyang buhay.

Pero, nakiusap naman siyang huwag na lang tanungin ang tungkol doon dahil gusto nilang maging pribado ang lahat ng detalye sa kanila ni Chynna.

Well, dapat may magsabi kay Kean na kung gusto talaga nilang maging private ang buhay nila ni Chynna, iwasan nila ang mag-post ng mga messages na may kinalaman sa kanilang relasyon sa social media.

Nalaman ang kalagayan ng aktres at sa kaganapan sa kanila dahil sa social media.

Kung nais talaga ni Kean na walang makalabas o maging private ang lahat, huwag silang gumamit ng social media sa pagpaparamdam ng mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Chynna.

Magtatanong at magtatanong hindi man ang press kundi ang mga followers nila sa kung anuman ang pinost nila sa social media.

Hindi dapat ang press ang pakiusapan ni Kean tungkol sa privacy, kundi silang dalawa mismo ni Chynna.

Anyways, kasama nga si Kean sa pelikulang Love Is Blind ng Regal Entertainment, kaya hinahalukay ng media ang tungkol sa kanila ni Chynna.

Post a Comment

You are required to sign-in into your Google account to post your comment. We will removed the duplicate and spam comments.

 
Top